
nagsimula ang lahat kagabi, masaya akong pauwi dahil natapos na naman ang lunes. :) iniisip ko pa kung anong lulutuin ko, kung anong gagawin ko sa gabing yon.nasa mrt na ako. bahagyang siksikan at standing ovation ang drama ko. nakatingin ako sa sandals ni ate local dahil, gash, pareho kami ng sandals. halos ngitian ko sya at sabihing, "hi, we have the same pair of sandals". wow friendly. pero hindi ako friendly, kaya nilunok ko na lang ang katuwaan...